Welcome to Calapan City!

PAGHAHANDA PARA SA SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE (SGLG), MASIGASIG NA SINIMULAN!

Ginanap ngayong araw ang SGLG Technical Working Group (TWG) Meeting sa ating Conference Room na pinangunahan ni City Administrator Angel Navarro kasama ang mga konsernadong departamento.
 
Pangunahing tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang dokumento at rekisito na kinakailangan para sa nalalapit na SGLG Validation ng Pamahalaang Lungsod. Layunin ng paghahandang ito na masiguro na tayo ay “on-track” sa lahat ng indicators ng mabuting pamamahala.
 
Ang hakbang na ito ay bahagi ng adbokasya ni City Mayor Doy Leachon na patuloy na iangat ang antas ng serbisyo sa Lungsod ng Calapan. Sa pamamagitan ng pagkamit ng SGLG, masisiguro natin ang isang tapat, mabilis, at de-kalidad na pamamahala para sa bawat Calapeño.