Welcome to Calapan City!

KALINISAN NG LUNGSOD, KAWANI NG CITY HALL ANG MODELO!

Isinagawa ang Sustainable Environment Management Coordination Meeting sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa ilalim ng pamumuno ni Sir Willy Landicho.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga Administrative Officers (AO) mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod, kasama ang Calapan City Police Station (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP). Pangunahing tinalakay ang striktong pagpapatupad ng tamang waste segregation—ang pagbubukod-bukod ng nabubulok at di-nabubulok na basura sa bawat opisina at sa buong City Hall Compound.

Ang programang ito ay personal na inisyatiba ni City Mayor Doy Leachon na naglalayong gawing modelo ng kalinisan ang ating City Hall. Naniniwala ang ating Punong Lungsod na bago natin ipatupad ang disiplina sa kapaligiran sa buong Calapan, dapat itong magsimula at makita muna sa ating mga kawani ng gobyerno.