Welcome to Calapan City!

TRAFFIC SURVEYOR ORIENTATION – SM CITY CALAPAN

WE’VE GOT IT ALL FOR YOU!
Dito Sa Mindoro – malapit na Calapeño!
 
Excited na ba ang lahat?
 
Ang napipintong pagkakaroon at pagtatayo ng SM sa Calapan ay malinaw na patunay lamang ng tahak tungo sa landas ng pag-asenso para sa mga Calapeño — tungo sa Mas Maayos na Bayan Sigurado sa ilalim ng liderato ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
 
Progresibo at maunlad na Calapan, masiglang ekonomiya, legal at malawak na oportuinidad sa trabaho, kaliwa’t-kanang mamumuhunan — ito ang ilan sa kakambal ng nalalapit na pagkakaroon ng SM sa lungsod ng Calapan. Kaugnay nito, ngayong araw, ika 15 ng Enero, isang pagpupulong ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Calapan City PESO, sa pamamahala ni PESO Manager Dr. Eder Apolinar M. Redublo.
 
Ang naturang pagpupulong ay para sa masinop na dayalogo hinggil sa Traffic Impact Assessment ng SM Calapan City, Oriental Mindoro na pinangunahan naman nina Dr. Karl B.N. Vergel, Survey Team Leader; Alorna Abao, Project Coordinator; at Paul Anthony Prieto, Junior Survey Specialist, na tumalakay sa 16 Hours Volume Count survey. Ang nasabing detalyadong pagpupulong ay para sa epektibong pagsasagawa ng survey at obserbasyon sa pagtatayuan ng SM Calapan.
 
Matapos ang pagpupulong, agad itinalaga ni Mrs. Alorna Abao ang mga surveyors sa kani-kanilang respected areas.