






Ngayong araw, Enero 15, 2026 (Huwebes), isinagawa ang presentasyon patungkol sa Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) para sa Lungsod ng Calapan.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng opening remarks ni EnP. Joselito Bautista, ang ating City Planning and Development Coordinator. Sinundan ito ng mensahe mula kay City Administrator Angel Navarro na kinatawan ng Tanggapan ng Punong Lungsod. Binigyang-diin ni City Administrator Angel Navarro ang mga banta ng hazard sa ating lungsod gaya ng pagbaha, lindol, at bagyo, gayundin ang mga hakbang kung paano ito maiiwasan at mapaghahandaan. Kasama sa pagpupulong ang mga kawani ng pamahalaang lungsod tulad ng City Disaster Risk Reduction Management Department at iba pang konsernadong departamento.
Nagbahagi rin ang tatlong kinatawan mula sa technical staff ng mahahalagang datos ukol sa:
- Demograpiya at populasyon ng iba’t ibang lugar sa Calapan.
- Kahalagahan at benepisyo ng CDRA sa pagbuo ng mga polisiya.
- Resulta ng isinagawang siyentipikong pag-aaral sa risk assessment ng lungsod.
Layunin ng pagpupulong na ito na matiyak na ang Calapan ay mananatiling isang matatag at handang komunidad sa harap ng anumang banta ng kalikasan.