








Ika 15 ng Enero sa baybay dagat ng Barangay Navotas sa lungsod ng Calapan, sa pamamahala ng Fisheries Management Office sa pangunguna ni FMO OIC Willy Landicho, nasa 112 na itlog ng pawikan ang binantayan at maingat na pinakawalan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng FMO, Bantay Dagat at Blue Alliance.
Mula sa pangitlugan sa naturang lugar na Marine Protected Area, 72 na pawikan ang matagumpay na napakawalan sa dagat, kung saan ang ibang mga itlog na hindi pa napipisa ay nasa ilalim pa rin ng obserbasyon at patuloy na mino-monitor.
Ang mga naturang pawikan ay kilala sa tawag na “OLIVE RIDLEY SEA TURTLE” na may scientific name na (Lepidochelys olivacea) na kadalasang lumalaki ng 2 to 2.5 feet at maaaring umabot sa timbang na 100 pounds na ayon sa pag-aaral ay kayang mabuhay at tumagal sa ating mundo sa loob ng 50 years.