







Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon at ng Calapan City Tourism, Culture and Arts Office ang ating lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong umaga, January 12, 2026. Naging masigla at puno ng kulay ang pagtitipon sa pakikibahagi ng Calapan City Marching Band na naghatid ng de-kalidad na musika at kumpas.
Ang seremonyang ito ay hudyat ng ating panibagong linggo ng tapat, mahusay, at masiglang paglilingkod para sa bawat Calapeño. Layunin nating patuloy na itampok ang ganda ng ating kultura at sining habang tayo ay nagbibigay ng serbisyo publiko.
Patuloy tayong magkaisa para sa mas progresibong Calapan!