




Bilang paggunita sa National Feast Day of Santo Niño, dumalo ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Sto. Niño de Calapan Novena Mass na ginanap noong Enero 9, 2026, ganap na alas-5:00 ng hapon, sa Sto. Niño Cathedral, Lungsod ng Calapan.
Ang araw ding ito ay ginugunita rin bilang Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno, isang makabuluhang pagkakataon ng panalangin, debosyon, at pananampalataya para sa mga Pilipino.