






Ika-8 ng Enero ng kasalukuyang taon, labinlimang (15) paaralan sa Lungsod ng Calapan ang nabiyayaan ng kumpletong desktop computer set mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon, katuwang ang City Education Department sa pamumuno ni Ms. Marvie Mañibo, MPM – CED OIC.
Ayon sa mga benepisyaryong paaralan, malaking tulong ang mga computer set na ito sa mas epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral, kasabay ng patuloy na paghahatid ng de-kalidad na edukasyon—isa sa mga pangunahing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Ang mga desktop computer set na nai-turnover ay nagkakahalaga ng ₱749,700.00, na pinondohan mula sa Special Education Fund (SEF), bilang bahagi ng pinaigting na suporta ng Pamahalaang Panlungsod sa mga programang pang-edukasyon.
Patunay lamang ito na tunay na inuuna ni Mayor Doy ang kapakanan at kinabukasan ng kabataang Calapeño sa pamamagitan ng konkretong aksyon at tuloy-tuloy na pamumuhunan sa edukasyon.