






Matulungan ang mga mamamayan ng lungsod ng Calapan na nagsusumikap at lumalaban ng patas upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya at organisasyo o grupong kinabibilangan — ito ang layon ng isinagawang Awarding of Livelihood Projects, na pinangunahan ng Calapan City PESO sa pamamhala ni Dr. Eder Apolinar M. Redublo (PESO Manager) ika 8 ng Enero.
Mga programa, proyekto at kabuhayang direktang makatutulong sa kabuoang kaunlaran ng Calapan, ito ang nais ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon kaya naman tunay na suportado niya ang mga ganitong gawain.
Nagkakahala ng mahigit kumulang 1.3M ang ipinamahaging livelihood projects na ipinagkaloob sa 76 na benepisyaryo na masusing dumaan sa legal na proseso at ebalwasyon.
Naging susi sa katuparan ng nasabing pagkakaloob ng kabuhayan ay sina Ms. Naomi Lyn C. Abellana – Regional Director DOLE MIMAROPA, Oriental Mindoro Provincial Director, Mr. Roderick F. Tamacay, at Assistant Regional Director Emerito A. Narag, PH.D