Dumalo ngayong araw sa City Plaza Pavilion si City Mayor Doy Leachon para sa nagpapatuloy na Tricycle Operators and Drivers’ Seminar na pinangunahan ng City Public Safety Department sa pamumuno ni City Public Safety Officer PMAJ. Ermin Cabanding (Ret.).
Dito ay inilahad niya ang ilang proyektong laan niya para sa mga tricycle drivers tulad ng pagpapababa ng franchise renewal sa Php 500 mula sa dating Php 888, insurance program para sa kanila, at scholarship program para sa kanilang anak.
Para sa mas disiplinado at ligtas na biyahe tungo sa #MaayosnaBayanSigurado!









