Matagumpay na isinagawa ang Tricycle Operator’s Seminar na pinangunahan ng City Public Safety Department (CPSD) sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Ermin C. Cabanding na isinagawa sa City Plaza Pavilion.
Ang seminar na ito ay isa sa mga pangunahing kinakailangan para sa pagpapanibago (renewal) ng mga prangkisa ngayong taong 2026.
Layunin nito na paigtingin ang kaalaman ng ating mga tricycle drivers sa:
- Tamang batas trapiko at pagmamaneho sa lansangan.
- Maayos at magalang na pakikitungo sa mga pasahero.
Ang programang ito ay may buong suporta mula sa ating City Mayor Doy Leachon, na naniniwala na ang disiplina sa kalsada ay susi sa isang mas maunlad at ligtas na lungsod.
Patuloy nating itaguyod ang pagiging disiplinadong Calapeño!






