






Sa pagsisimula ng taon naging maagap din ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon sa pamamagitan ng isang pagpupulong kasama ang mga department heads upang pagusapan ang mga itatakdang mga plano at pagsasakatuparan nito sa pagpapaunlad ng ating lungsod.
Inilatag ang mga plano ng bawat departamento para sa taong 2026 upang mapagsamasama at makabuo ng isang konkretong programa na makapag-aangat sa buhay ng bawat Calapeño.
Inaasahan sa pagpupulong na ito na magkaroon ng mas maayos at de kalidad na pamamahala ang administrasyong Leachon kasama ang Sangguniang Panlungsod at sa pakikipagtulungan ng mga department heads na maihatid sa mamamayan ng lungsod ng Calapan ang mga programa para sa “Mas Maayos na Bayan Sigurado”.