Welcome to Calapan City!

LET PASSER – LICENSED TEACHERS (CITY COLLEGE OF CALAPAN)

PAGBATI!
 
Sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang Pamahalaang Lungsod ay taos-pusong bumabati at nagbibigay-pugay sa ating mga bagong Licensed Teachers na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET), na nagsipagtapos sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan.
 
Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay patunay na ang pangarap ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsusumikap at pananalig. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mga kabataan ng Calapan at maging huwaran sa inyong napiling larangan.
 
Ipinagmamalaki kayo ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan at ng buong lalawigan!