Welcome to Calapan City!

FLAG RAISING CEREMONY – JANUARY 05, 2026

Let’s start the year right!
 
Ngayong bagong taon, magsimula muli tayo Calapeño! Magsimula tayo kung saan tayo naging matagumpay at naging produktibo. Patuloy tayong tumuon sa nagkakaisang adhikain — pag-aksyon tungo sa matibay na pundasyon para sa paghakbang at pagtahak sa landas tungo sa mas Maayos na Bayan Sigurado.
 
Sa mensahe ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon sa unang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod, ipinahayag niya ang kanyang mainit na pasasalamat sa lahat para sa patuloy na pagsuporta at pakikiisa sa kanya para sa layon ng isang mas maayos na Calapan.
 
Binigyang diin niya na hindi matatawaran ang tulong ng bawat isa sa kanyang administrasyon para magampanan ng mas mahusay ang kanyang serbisyo publiko para sa Calapeño.
 
Naging highlight naman ng kanyang mensahe ang pagpapahayag ng mga napipintong programa at proyekto na malaki at direktang makatutugon sa pangangailangan ng maraming mamamayan sa lungsod ng Calapan.
 
Tunay na aabangan at maaasahan ng Calapeño ang kaganapan ng mga pangako at patuloy na pagbabago!