Welcome to Calapan City!

Grand Celebrity Concert & Fireworks Display

Isang gabi ng sama-samang kasiyahan at musika ang ating naranasan sa OMNHS Grounds habang sinalubong ng mga Calapeño ang bagong taon. 
 
Mula sa mga awiting tumatak sa puso nina Janine Teñoso at Rob Deniel, hanggang sa makulay at engrandeng fireworks display, naging buhay na buhay ang selebrasyon na dinaluhan ng pamilya, magkakaibigan, at iba’t ibang sektor ng komunidad. 
 
Ang mga larawang ito ay patunay ng pagkakaisa, tuwa, at masayang pagsisimula ng taong 2026—isang gabi na puno ng ngiti, palakpakan, at masasayang alaala. 
 
Maraming salamat, Calapeños, sa pakikiisa at pakikipagdiwang! Sama-sama pa rin sa mga susunod na kaganapan ng lungsod.