






Sa pagsalubong sa Enero 2026, sama-samang nagtipon ang mga kababayan sa Sto. Niño Cathedral upang dumalo sa Banal na Misa—isang taimtim na sandali ng pasasalamat, pagninilay, at panalangin para sa isang bagong simula.
Dumalo sa banal na pagdiriwang sina City Mayor Doy Leachon, 1st District Board Member Hon. RL Leachon, kasama ang kanilang pamilya , gayundin ang mga department heads at kawani ng City Government of Calapan, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at sama-samang panalangin para sa lungsod.
Sa pamamagitan ng banal na misa, inialay ang mga mithiin at hangarin para sa isang taon na puno ng pag-asa, kapayapaan, at malasakit para sa lahat. Isang makahulugang pagsisimula ng Enero 2026, na may paninindigan na harapin ang bagong taon nang may pananampalataya at pagkakaisa.