Welcome to Calapan City!

STO. NIÑO DE CALAPAN FESTIVAL STREET DANCING 2025-2026

Tala-tala sa kasaysayan ang bawat kuha ng makulay at masiglang Street Dancing ngayong Sto. Niño de Calapan Festival!
 
Makikita sa mga larawan ang sabay-sabay na indak ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay, na puno ng enerhiya at saya habang ipinapakita ang kanilang talento at malikhaing interpretasyon ng kultura at tradisyon ng Calapan.
 
Makukulay na kasuotanat masiglang galaw ang bumubuo sa diwa ng pista- ipinapahayag ang pasasalamat kay Señor Sto. Niño, na sentro ng ating pananampalataya at selebrasyon.