Bilang hudyat ng muling pagbabalik ng tradisyon ng Miss Calapan Popularity Contest, nagsimula alas-8:00 ng umaga ang makabuluhang aktibidad ng Miss Calapan 2025–2026 sa pamamagitan ng motorcade.
Unang pinuntahan ang Caguisikan Elementary School, kung saan namahagi ng papasko ang mga Miss Calapan candidates para sa mga kabataan—isang paalala na ang kagandahan ay may kaakibat na malasakit at serbisyo.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Miss Calapan 2025–2026 Chairperson, Board Member RL Leachon, kasama sina City Education Officer Marvie Mañibo, City Planning Officer Joey Bautista, at City Information Officer Weng Del Mundo, bilang suporta sa adbokasiya para sa edukasyon, komunidad, at kultura.
Ikalawang destinasyon ang Sanitary Landfill sa Brgy. Batino, kung saan ipinakita ang mga produktong likha mula sa mga makakalikasang inisyatiba tulad ng eco-bricks at mga produktong buri, na sumasalamin sa layunin ng programa na isulong ang kamalayan sa kalikasan at sustenableng kaunlaran.





