Iginawad ng PhilHealth Regional Office IV-B ang isang Certificate of Recognition sa City Government of Calapan bilang pagkilala sa natatanging performance at suporta nito sa paggamit ng Philippine Registry for Persons With Disability (PR-PWD).
Sa pamamagitan ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO), ipinakita ng lungsod ang mabilis at buong suporta sa mga PWD sa PhilHealth registration at pag-update ng kanilang mga rekord.
Ang mga hakbang na ito ang nag-ambag sa pagtaas ng PhilHealth registration rate ng LGU, alinsunod sa malinaw na direksyon at adbokasiya ni Mayor Doy Leachon para sa inklusibo at serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Ang parangal ay tinanggap ni Persons With Disability Affairs Officer Benjie Agua, Disyembre 22, 2025, sa City Hall, Brgy. Guinobatan, Calapan City, bilang patunay ng patuloy na paninindigan ng lungsod sa makatao at pantay na serbisyong pangkalusugan.

