Pinahalagahan ng City Government of Calapan ang sipag at dedikasyon ng mga officers mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng Php 2,000 cash gift bilang tanda ng pagkilala sa kanilang serbisyo sa lungsod.
Ang pamamahagi ay maayos na pinangunahan ng City Treasury Department, kinakatawan ni Miss Suzette Lopez, kasama sina City Administrator Mr. Angel Navarro at Secretary to the Mayor Mr. Arnel Dalisay bilang mga representante ni Mayor Doy Leachon, na nagbigay ng taos-pusong mensahe ng pasasalamat sa mga benepisyaryo.



