Welcome to Calapan City!

Colorful Christmas Dash: Color Fun Run

Isang makulay at masiglang umaga sa Calapan City habang isinagawa ang Colorful Christmas Dash: Color Fun Run, na pinangunahan ng Sesinando Bugarin Chapter No. 29, Order of DeMolay, katuwang ang Tamaraw Masonic Lodge No. 65 at ang City Youth & Sports Development Department (CYSDD) sa pangunguna ni CYSDO Marvin Panahon.
 
Mula sa Calapan City Plaza hanggang sa Main Highway, pinuno ng saya, kulay, at sigla ang takbuhan—nagpapatunay ng aktibong partisipasyon ng kabataan at komunidad sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Isang selebrasyon ng kalusugan, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad. 
 
Takbo para sa saya, kulay para sa pagkakaisa.