Malugod na tinatanggap ng Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng Calapan City Tourism, Culture & Arts Office, ang muling pagdaong ng MV Coral Geographer Expedition Cruise at ng mga panauhin nito para sa ikalawang pagkakataon sa lungsod.
Personal na sinalubong ang cruise guests ni City Administrator Angel Navarro, kasama sina City Tourism Officer Christian Gaud, CDRRMO Dennis Escosora, at City Information Officer Weng Del Mundo.
Itinanghal ng Buaywa Dance Troupe ang makukulay na sayaw na nagpapakita ng kultura ng Calapan at nagsisilbing paanyaya sa nalalapit na Sto. Niño de Calapan Festival.
Sa isinagawang land tour, naranasan ng mga bisita ang lokal na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsakay sa tradisyunal na Jeepney—isang karanasang nagbigay sa kanila ng mas malapit at makabuluhang ugnayan sa kultura habang nililibot ang lungsod.
Ang ikalawang pagdaong ng MV Coral Geographer ay sumasalamin sa patuloy na pagtitiwala sa Calapan bilang isang ligtas at maayos na destinasyon, na nagbubukas ng mga oportunidad para sa turismo at pagpapalago ng lokal na ekonomiya.





