Ginugunita natin ngayon ang ika-20 anibersaryo ng matinding pagbaha noong Disyembre 07, 17, at 27, 2005. Isang panahon kung saan nagpakita ng diwa ng bayanihan ang mga Calapeño at sama-samang nag-sandbagging upang labanan ang kalamidad na nagpalubog sa halos buong Calapan City.
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang makasaysayang pag-unveil ng Flood Marker sa Barangay Bucayao bilang pag-alala sa pagbabayanihan ng mga Calapeño laban sa pagbaha. Dumalo sa nasabing unveiling ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, mga kawani ng City Government, Barangay Officials, mga guro at magaaral ng Bucayao National High School at iba pang mga konsernadong ahensya.
Ang marker na ito ay paalala ng ating tibay, aral, at patuloy na kahandaan sa mga kalamidad.





