Welcome to Calapan City!

UPDATES & ACCOMPLISHMENTS OF 4P’S

Isang matagumpay na pagpupulong ang isinagawa ngayong araw sa Conference Hall ng City Hall para sa Updates and Accomplishments ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Lungsod ng Calapan.
 
Sa pangunguna ng DSWD MIMAROPA, tinalakay ang mga positibong epekto at patuloy na pag-unlad ng programa sa mga benepisyaryong Calapeño. Layunin nito na tiyakin na bawat pamilyang sakop ng 4Ps ay patuloy na tumatanggap ng suporta at serbisyo para sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.
 
Patunay ito ng masigasig na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at DSWD upang iangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan!