Pormal nang sinimulan ang isa sa pinakahihintay na tradisyon tuwing Pasko sa Lungsod!
Nagsimula na ang Christmas Nightly Shows sa Calapan City Hall Compound, na magdadala ng kulay at saya sa bawat gabi hanggang Disyembre 23, 2025!
Tampok sa unang gabi ang makulay at makabuluhang pagtatanghal na pinangunahan ng Local Council of Women.
Isang malaking karangalan ang masaksihan ng ating butihing City Mayor Doy Leachon, kasama ang ating masisiglang kababayan, ang pagkakaisa at talento ng mga Calapeño.
Huwag palampasin ang gabi-gabing handog ng Lungsod! Samahan kaming ipagdiwang ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng sining at musika!





