Isinasagawa ngayong araw ang mahalagang Training Workshop in Crafting the Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa DILG Building, City Hall!
Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), katuwang ang City Government of Calapan, ang layunin ng workshop na ito ay makagawa ng mas epektibo at napapanahong ruta ng pampublikong transportasyon sa Lungsod.
Sama-samang nakikibahagi ang mga kinatawan mula sa:
- Mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan
- Transport Groups
- Iba pang konsernadong ahensya
Magpapatuloy ang training workshop hanggang bukas, Disyembre 17, 2025, upang matiyak na ang bawat detalye ng LPTRP ay naayon sa pangangailangan ng ating mga mamamayan.





