Isang makabuluhang pagsisimula ng Pasko ang ating nasaksihan sa isinagawang Unang Simbang Gabi na pinangunahan ng City Government of Calapan!
Sama-samang nakiisa at nagdasal ang ating butihing City Mayor Doy Leachon, kasama ang masisipag na kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, bilang tanda ng ating matibay na pananampalataya at pagkakaisa.
Nawa’y ang diwa ng Simbang Gabi ay maghatid ng pag-asa, kapayapaan, at pagmamahalan sa bawat pamilyang Calapeño!





