Welcome to Calapan City!

Liwanag at Linaw sa Paningin: MOA Signing para sa Libreng Salamin!

Isang napakahalagang hakbang tungo sa mas mahusay na serbisyo-kalusugan ang isinagawa ngayong araw!
 
Pormal nang naganap ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Government of Calapan, sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, at ng mga rehistradong Optometrists sa Calapan City.
 
Ang MOA na ito ay magbibigay-daan sa isang libreng programa ng pagpapasalamin para sa ating mga minamahal na Senior Citizens at Persons With Disabilities (PWDs) na residente ng Lungsod ng Calapan.
 
Ito ay patunay lamang na ang kalusugan at kapakanan ng bawat sektor, lalo na ang mga senior at PWDs, ay prayoridad ng Pamahalaang Lungsod!