Welcome to Calapan City!

BLESSING AND INAUGURATION OF ROAD & NEWLY RENOVATED COVERED COURT

Isang malaking tagumpay at patunay ng tapat na paglilingkod ang ating nasaksihan ngayong araw sa Barangay Balite!
 
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon kasama ang Sangguniang Barangay ng Balite sa pangunguna ni Kapitana Lalaine De Castro ang pagpapasinaya ng dalawang napakahalagang proyekto na lubos na pakikinabangan ng mga residente:
 
  • Pagpapasinaya ng Bagong Konkretong Kalsada sa Sityo San Jose: Siguradong mas magiging mabilis, ligtas, at kumportable na ang daan ng ating mga kababayan!
  • Pagpapasinaya ng Balite Covered Court: Muling isinaayos at binigyan ng karagdagang bakod, handa na itong maging sentro ng komunidad para sa sports at iba pang aktibidad!
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng matagumpay na implementasyon ng ipinangako ni Mayor Leachon na 3 Milyong Piso Laan Bawat Barangay—patunay na ang pondo ng Lungsod ay direktang nagagamit para sa pagpapaunlad ng ating mga komunidad.