Welcome to Calapan City!

Pagkakaisa Para sa Kalikasan: Tree Planting at Clean-up Drive sa Wawa Mangrove Forest!

Nagdaos ng isang matagumpay na Tree Planting Activity at Clean-up Drive sa Wawa Mangrove Forest and Kayaking Site noong Linggo December 14, 2025, sa layuning mapangalagaan ang ating baybayin at mapanatili ang berdeng kapaligiran ng Lungsod ng Calapan.
 
Pinangunahan ito ng ASEZ WAO (Save the Earth from A to Z, We Are One) mula sa World Mission Society Church of God, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Calapan City sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon. Kasama ring nakilahok ang PNP, BFP, at iba pang konsernadong ahensya at organisasyon.
 
Ang pagtatanim ng mga mangrove at iba pang halaman ay mahalaga upang magsilbing natural na proteksiyon laban sa mga storm surge at iba pang kalamidad.
 
Maraming salamat sa lahat ng nakilahok! Patuloy nating pangalagaan ang ating Inang Kalikasan!