Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang makabuluhang Flag Raising Ceremony nitong Lunes ng umaga.
Tampok sa pagtitipon ang pagpapakilala at pagkilala sa serbisyo ng bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, kasabay ng pagpaparangal sa mga award na natanggap ng ating Lungsod—patunay sa husay at dedikasyon ng ating pamilya sa City Hall!
Lalong naging masigla ang umaga nang ibahagi ni Mayor Leachon ang masayang balita ng incentive at bonus:
- Regular Employees: Tatanggap ng P20,000 SRI Bonus!
- Job Order: Tatanggap ng kabuuang P12,000 (P7,000 + P5,000) Gratuity Pay at Cash Gift!
- Contractual: Tatanggap ng kabuuang P7,000 Gratuity Pay!
Lubos na ikinagalak ng mga empleyado ang hatid na biyaya! Bukod pa rito, nabiyayaan din ng bagong sasakyan ang Barangay Batino at Guinobatan upang mas mapahusay ang kanilang serbisyo sa barangay.
Mabuhay ang Calapan City! Patuloy tayong maglingkod nang may sipag at puso!





