Isinagawa ngayong araw, ika 15 ng Disyembre ang seremonya ng pagbabasbas at pormal na turnover ng bagum-bagong sasakyan para sa Brgy. Guinobatan at Brgy. Batino. Pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon ang nasabing official turnover kasama si CA Angel Navarro at ilang konsehal ng lungsod.
Ang pamamahagi ng naturang service vehicle ay naglalayong mas mapalawig at higit na mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga barangay at agarang maka-aksyon at makatugon sa pangangailangan ng komunidad na kanilang nasasakupan lalo na sa aspeto ng kaligtasan, kalinisan, kaayusan gayundin upang masuportahan at mapalakas ang emergency response capabilities ng ating mga barangay.
Dagdag pa ni Mayor Doy, ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas maayos na pamumuhay sa bayan ng Calapan. Lubos namang nagpasalamat ang mga Punong Barangay at mga Miyembro ng Sangguniaang Barangay sa maagang Pamaskong ito na kaloob ng Pamahalaang Lungsod para sa kanilang barangay. Anila, makaaasa ang Pamahalaang Lungsod na pakaiingatan nila ito at gagamitin sa mga kapakipakinabang na gawain at aktibidad sa kanilang komunidad.





