Welcome to Calapan City!

BENCHMARKING ACTIVITY | MUNICIPAL DISABILITY AFFAIRS OFFICE

Huwebes ika 11 ng Disyembre, nagtungo ang lokal na pamahalaan ng Mansalay sa tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, at partikular na bumisita sa ating Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na pinangungunahan naman ni Mr. Benjamin Agua Jr. Bilang PDAO Head.
 
Sa kanilang pagbisita, nagkaroon sila ng benchmarking sa ating PDAO upang matutunan at maisagawa ang mga programa, proyekto, at mga innovations para sa sektor ng taong may kapansanan. Layunin nilang magamit ang mga ito sa kanilang target na pagkakaroon ng kaparehang opisina upang mapabuti ang serbisyo at suporta para sa mga taong may kapansanan sa kanilang munisipyo.
 
Tunay nga na binibigyang malaking pansin ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang mapabuti ang kalagayan at karapatan ng ating mga kababayan na may kapansanan, at pinupursige na makapagbigay ng pantay na pagkakataon sa kanila, at malinaw na ito ay nakikita at hinahangaan ng buong lalawigan kaya naman ang Pamahalaang lungsod ay dinarayo ng iba’t-ibang opisina at munisipyo upang magsagawa ng kanilang benchmarking at matutunan, mapag-aralan at maisakatuparan sa kani-kanilang lugar ang ating mga best practices.