Matagumpay na isinagawa ang City Development Council (CDC) – Full Council Meeting ngayong araw sa Kalap Gymnasium!
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang ating masisipag na mga Konsehal, ang pagpupulong na nilahukan ng ating mga katuwang na opisyales—ang ating mga mahal na Barangay Officials—mula sa iba’t ibang sulok ng Lungsod.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang panukala at programa na magsisilbing gabay sa patuloy na pag-unlad ng Calapan. Ito ay mahalaga upang tiyakin na ang mga prayoridad at proyekto ng Lungsod ay nakatuon sa ikabubuti at pangangailangan ng bawat Calapeño





