Pinasinayaan ang Newly-Rehabilitated Calapan City Public Market
Isang makasaysayang araw ang naganap sa Lungsod ng Calapan ngayong araw! Matagumpay na isinagawa ang Blessing and Inauguration ng ating Newly-Rehabilitated City Public Market.
Pinangunahan ang seremonya nina City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang ating masisipag na mga Konsehal ng Lungsod. Dumalo rin ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at, siyempre, ang ating mga mahal na manininda ng City Public Market.
Lubos ang pasasalamat ng mga manininda sa pagsasaayos at pagpapaganda ng palengke, na magbibigay sa kanila ng mas maayos at mas modernong lugar para magnegosyo.
Matatandaan na si City Mayor Doy din ang nagproyekto ng City Public Market na ngayoy muling isinaayos nya sa pagbabalik nya bilang City Mayor ng Lungsod ng Calapan.





