Welcome to Calapan City!

Naujan PIO, Matagumpay na Benchmarking sa Calapan City Information Office

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas pinahusay na serbisyo publiko ang isinagawa ng Public Information Office (PIO) ng Bayan ng Naujan matapos nilang bumisita para sa isang matagumpay na benchmarking activity sa Calapan City Information Office (CIO)!
 
Layunin ng pagbisitang ito na matutunan ang best practices at cutting-edge na teknolohiya na ginagamit ng Calapan CIO sa mabilis at epektibong paghahatid ng mahahalagang impormasyon at balita sa kanilang mga mamamayan.
 
Tinalakay sa pagpupulong ang mga inobasyon at estratehiya upang mas mapabilis at mapaganda pa ang operasyon ng Naujan PIO, lalo na sa paggamit ng makabagong teknolohiya, upang mas mabilis na makarating sa bawat Naujeño ang mga mahahalagang anunsyo at pagbabago.
 
Taos-pusong pasasalamat po sa Public Information Office ng Municipality of Naujan sa pagtungo at matagumpay na benchmarking dito sa Calapan City.
 
Lubos naming pinahahalagahan ang pagkakataong makapagbahagi ng aming mga programa at matuto rin mula sa inyong mga karanasan.
 
Maraming salamat sa inyong tiwala, oras, at pakikiisa.
 
Patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad at mas makabagong Serbisyong Lokal para sa Oriental Mindoro.