Matagumpay na isinagawa ang 2025 Gender and Development (GAD) Plan and Budget (GPB) Year-End Evaluation at FY 2026 GPB Strategy Session ng Calapan City GAD Council!
Ginawa ang sesyon sa Kalap Hall Building, kung saan nagtipon ang lahat ng GAD Focal Persons mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod. Layunin nito ang:
- Suriin ang pagganap ng mga programang GAD ngayong 2025.
- Bumuo ng mas matatag at inklusibong estratehiya para sa FY 2026.
Ipinapakita nito ang patuloy na dedikasyon ng Lungsod ng Calapan sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas sa bawat Calapeño.





