Welcome to Calapan City!

CEREMONIAL SIGNING OF CALAPAN CITY 2026 ANNUAL BUDGET

Pormal na Nilagdaan: Ang 2026 ANNUAL BUDGET ng Lungsod ng Calapan!
 
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibo at organisadong pamamahala!
Matagumpay na isinagawa ang ceremonial signing ng inaprubahang 2026 Annual Budget o General Appropriations Ordinance sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio at ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod. Ito ay resulta ng masusing pagpaplano upang masigurado na ang bawat pondo ay mapupunta sa mga programang direktang makatutulong at makabubuti sa ating mga kababayan.
 
Patuloy ang Serbisyo at Pag-unlad sa ilalim ng isang ” Maayos na Bayan Sigurado”!