Abot-Kamay na ang 10,000 pesos na Milestone Age Cash Gift para sa ating mga Senior Citizen!
Isang nakaka-antig na araw ng pagkilala at pagmamahal! Ngayong taon, ang mga kwalipikadong Senior Citizens na may milestone ages na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap ng tig-10,000 pesos na Cash Gift sa ilalim ng Republic Act No. 11982.
Ang makasaysayang pamamahagi na ito ay pinangunahan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pakikipagtulungan ng City Government of Calapan, sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, CSWD at OSCA.
TANDAAN: Sakop ng programa ang mga nakatatanda na umabot sa milestone age mula March 17, 2024 hanggang December 31, 2024.
Mabuhay ang ating mga Senior Citizen!
Salamat sa NCSC at sa pamahalaang lungsod!





