PINAG-IBAYONG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN! 
Matagumpay na isinagawa ang 4th Quarterly Joint Council Meeting ng mga pangunahing ahensya ng Lungsod!
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang pagpupulong na ginanap sa Calapan City Convention Center. Nagtipon-tipon ang City Peace and Order Council (CPOC), City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), City Council for the Protection of Children (CCPC), LCAT-VAWC, at City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD).
Tinalakay at inaprubahan ang mga mahalagang resolusyon:
- Pag-adopt sa Peace and Order and Public Safety Plan (POPS Plan) ng Lungsod at ang mga bumubuo nito.
- Pag-organisa ng mga Special Committees at POPS Planning Technical Working Group (TWG) para sa epektibong pagpapatupad ng Plan.
Ipinapakita nito ang buong-pwersang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod upang masiguro ang ligtas at maayos na Calapan.





