Matatag na bayan, sigurado kapag may oportunidad para sa lahat!
Pinangunahan ng Calapan City PESO, sa pamumuno ni PESO Manager Dr. Eder Apolinar M. Redublo, ang Job Fair ngayong December 8, 2025 – 8:00 AM, na ginanap sa Nuciti Central bilang bahagi ng Sto. Niño Festival 2025–2026.
Daan-daang job seekers ang nakiisa upang makahanap ng bagong oportunidad mula sa iba’t ibang partner companies at employers.
Isang hakbang tungo sa mas produktibo at mas matatag na komunidad!





