Welcome to Calapan City!

PWD FINANCIAL INCENTIVE PAYOUT

Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon kasama si PDAO Head – Benjie Agua Jr. ang payout for financial incentive para sa mga kababayan nating nabibilang sa sektor ng Person with Disability, na ginanap sa Kalap Covered Court.
 
Nasa 2,400 ang bilang ng naging benepisyaryo ng nasabing payout, na nakatanggap ng isang libong piso (P1,000).
 
Samantala, personal na dumalo at nagpadama rin ng mainit na suporta si CSWDO Ma’am Juvy Bahia RSW, sa nasabing aktibidad.
 
Sa nasabing aktibidad, tunay namang naging dama ang kalinga ng isang ama sa pamamagitan ng isang lider na may malasakit sa kanyang nasasakupan. Magpapatuloy ang nasabing payout hanggang bukas December 6, 2025.