Welcome to Calapan City!

AKSYON AGAD PARA SA TIYAK NA PISIKAL AT PANGKAISIPANG KALUSUGAN NG KABATAAN NG CALAPAN

Miyerkules, ika 3 ng Disyembre isinagawa ang K4HEALTH (Kabataan 4 Health) KABARKADA TRAINING, sa pangunguna ng City Health and Sanitation Department sa pamamahala ni Dr. Basilisa M. Llanto – CHO.
 
Isinagawa sa Calapan City Convention Center ang K4Health two day training na ito na kinapalooban ng mga maiinit at napapanahong usapin at gawain gaya ng Understanding Today’s Adolescent and Youth Through Data, HIV Situationer: Local Trends, Challenges and Public Health Response Awareness, What can YOUth do? at workshop proper.
 
Ang mga pagbabahagi at dayalogo ay pinangunahan nina Dr. Ma. Teresita N. Bolor City Population and Development Officer, David Aytin RN, Mr. Noel Cirujano at Junaif S. Ampatua.
 
Samantala, nagpakita rin ng mainit na suporta sina Vice Mayor Bim Ignacio at CA Angel Navarro sa nasabing pagsasanay. Anila pa, ang pagbibigay pansin sa kabuoang kalagayan at kalusugan ng mga kabataan, ay mahalaga sa kanilang pangkalahatang kagalingan at pag-unlad sa lipunan.