Welcome to Calapan City!

STO. DE CALAPAN FESTIVAL 2025-2026 – OPENING SALVO

“PASASALAMAT, PAGTATANGHAL AT PANALANGIN” — ito ang sentro ng ating pagdiriwang ngayong taon, ani Mayor Doy C. Leachon.
 
Mainit na pasasalamat at Buong pusong pagpupuri para kay Sto. Niño!
 
Unang araw ng Disyembre, isinagawa ang Opening Salvo bilang opisyal na hudyat ng pag-uumpisa ng isang buwang pagbibigay pugay at pag-aalay ng pasasalamat sa ating Pintakasing si Sto. Niño — para sa buong taong paggabay, pagprotekta at pagbibigay biyaya Niya sa atin at sa buong kalungsuran at lalawigan.
 
Ang naturang Banal na Misa ay pinangunahan ni Bishop Moises M. Cuevas D.D., na dinaluhan naman ng mga kawani ng City Government sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio at ilan pang opisina, tanggapan at departamento sa labas ng Pamahalaang Lungsod.
 
Ang tema ng ating pagdiriwang ng Sto. Niño de Calapan Festival ngayon taon — “Sto. Niño de Calapan, Akayin Mo Kami Sa Pagiging Misyonaryo At Mapagpasalamat Na Sambayanan”.
 
Matapos ang Banal na Misa, agad itong pinasundan ng isang Motorcade na nilahukan ng Ms. Calapan City 2025 Candidates at Mr. & Ms. Liga ng mga Barangay Candidates.
 
Sa Homiliya, ayon kay Bishop Cuevas D.D., Mamuhay at panatilihin ang kagalangan sa kapwa, sapagkat kapag ang paggalangn ay nawala — nawawala na rin ang malasakit. Dagdag pa niya, nawa tayo ay maging daluyan ng paglinga at paghilom.
 
Ang month-long celebration na ito ay mananatili at tunay na magiging pagdiriwang para sa presensya ng Mahal na Patrong Sto. Niño sa lungsod ng Calapan.