Welcome to Calapan City!
​Isang araw na puno ng mahika, kwento, at talento ang nasaksihan sa Adriatico Memorial School! 
​Sabay na isinagawa ang Library on Wheels at ang Magical Play Tryst of Tales kung saan mismong mga estudyante ang bumida at nagpakitang-gilas sa kanilang stage play.
​Bukod sa panonood, naging masaya rin ang mga bata sa pagbabasa at pakikinig ng mga kwento hatid ng Library on Wheels ng ating City Government. 
​Ang programang ito ay bahagi ng adbokasiya ni City Mayor Doy Leachon na mailapit sa bawat batang Calapeño ang mga kagamitang huhubog sa kanilang karunungan at magandang kinabukasan. Dahil sa Calapan, ang edukasyon ay abot-kamay!