Nagsagawa ng benchmarking visit ang National Nutrition Council (NNC) Region 1, upang mag obserba sa mga implementasyon ng City Government of Calapan pagdating sa larangan ng wasto at angkop na nutrisyon at kalusugan sa mga mamamayan ng Calapan.
Mainit na tinanggap ni Calapan City Vice Mayor Bim Ignacio at Dr. Basilisa M. Llanto ang naturang mga bisita na pinangunahan nina Ms. Ma. Eileen Blanco – Regional Nutrition Program Coordinator (NNC MIMAROPA), Region 1 Nutrition Program Coordinator – Mr. Kendall Pilgrim Gatan at Lupang Ilocos Barangay Nutrition Scholar Federation President, Mr. Darwin Tumbaga.
Bilang parte ng kanilang benchmarking activity, personal na binisita at tinungo ng naturang grupo ang Barangay ng Lalud bilang hinirang na Outstanding Barangay Nutrition Committee, at Barangay Guinobatan naman bilang pagkilala rito bilang DOH Accredited Mother Baby Friendly Community / Lactation Station na kauna-unahan sa MIMAROPA Region.
Ang isinagawang benchmarking ay isa sa mga paraan ng NNC Region 1 upang makakuha ng mga best practices pagdating sa pagpapatupad at pagbubuo ng mas maayos na programa, proyekto at sistema partikular sa aspeto ng nutrisyon at kalusugan ng kanilang nasasakupan.
Malugod namang tinanggap ni CNAO Glenda Raquepo RN ang naturang grupo at puspusang nagbahagi ng mga makabuluhang inputs, programs at projects na naka angkla sa usaping nutrisyon na kasalukuyang isinasagawa at ipinatutupad dito sa lungsod ng Calapan.