Welcome to Calapan City!
Welcome To Calapan City, LEDIPO Sablayan Occidental Mindoro!
Ika 27 ng Nobyembre, dumating ang Local Economic Development and Investment Promotions Office ng Sablayan Occidental Mindoro sa pangunguna ni Ma’am Erminda V. Candor – MGDH I / Department Head, na mainit na sinalubong ni City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang ilang pang Department Heads ng Pamahalaang Lungsod.
Bumisita ang naturang lokal na mga opisyal mula sa Sablayan upang pag-aralan ang best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at bisitahin ang ilang gusali, opisina at tanggapan ng City Government.
Bukas ang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na makipagtulungan sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan tungo sa pagpapatupad ng good governance programs at paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko sa kanilang nasasakukpan.