Sa pangunguna ni Mr. Benjamin Agua Jr. PDAO Officer, inumpisahan ika 26 ng Nobyembre ang two-day refresher course para sa city government employees.
Layon ng pagsasanay na muling mabigyan at maipaalala sa mga naturang empleyado ang basic skills at learnings pagdating sa sign language na magagamit nila upang tiyak na makapagbigay ng wasto at dekalidad na serbisyo sa mga kapatid nating hearing-impaired at nonverbal.
Ang Basic Sign Language Refresher Course ay isinagawa sa Convention Center, Tawiran Calapan City.
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ito ay marka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa mas inklusibong komunikasyon at serbisyo para sa lahat ng mamamayan ng Calapan.
Dagdag pa ni PDAO Officer Benjie Agua Jr., target ng pagsasanay na ito na mas mapahusay ang kanilang pagbibigay at paghahatid serbisyo sa pangangailangan ng mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita.
Pinangunahan ang nasabing pagsasanay ni Ms. Nelma Viaña, MDMG – BSNED Program Head, na nagbahagi ng kaniyang mga karanasan at expertise sa larangan ng sign language.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito, mas magiging epektibo ang serbisyo publiko at komunikasyon para sa lahat ng Calapeño.