Nagsagawa ng pagpupulong ang mga kasapi ng PERSONS WITH DISABILITY CALAPAN CITY FEDERATION (PWDCCF) nitong Martes Ika-25 ng Nobyembre taong kasalukuyan na pinangunahan ni Mr. Benjamin Agua kung saan pinulong ang mga presidente ng samahan nito sa paghahanda nila sa kanilang christmas party at iba pang mga aktibidad sa darating na buwan ng Disyembre.
Buong suporta naman ang pinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon sa kanilang samahan.