Kaalinsabay ng pagdiriwang ng “Araw ng Pagbasa” isinagawa ang Library on Wheels sa Sta. Rita Elementary School.
Bilang suporta ng City Government of Calapan, sa pamamagitan ni Ms. Claire Benter City Librarian dinala nila ang silid aklatan sa pamamagitan ng “Library on Wheels” upang maipakita ang kahalagahan ng pagbasa para sa lahat.
Nagpasalamat si Ms. Jolly Ann B. Belina principal ng naturang paaralan kay Mayor Doy C. Leachon bilang suporta sa lahat ng paaralan para pantay na access sa impormasyon at resources. Layunin ng Punong Lungsod na magkaroon ng kultura ng pagbasa para sa lahat upang magkaroon ng panghabambuhay na karunungan. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng “National Book Week”.